Papuri Sa Diyos (M. Francisco)

Posted: December 19, 2014 in Songs
Tags: ,


Lyrics

Refrain
Papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos
Sa kaitaasan
Papuri sa Diyos

-> Repeat

Verse 1
At sa lupa’y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin

-> Refrain

Pinasasalamatan Ka namin
Sa ‘Yong dakilang angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama

-> Refrain

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin, maawa Ka
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama

-> Refrain

Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang Kataastaasan
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen!

Final Refrain
Papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos
Sa kaitaasan
Papuri sa Diyos
Sa kaitaasan
Papuri sa Diyos

Sheet Music – Papuri sa Diyos (M. Francisco)

Leave a comment