Archive for December, 2023

Procession of Parols (if needed) | O Parol

MASDAN ANG NAGGAGANDAHANG ILAW
MASDAN DIN ANG SARISARING KULAY
MAY PUTI AT ROSAS
MAY GINTO AT DILAW
MAY PULA AT BERDE
PILAK AT BUGHAW
ITO ANG ILAW NA SYA RING NAGBUHOS NG LIWANAG
UPANG SA MUNDO ANG PAGSILANG AY IPAHAYAG
BITUIN NA NAGSILBING GABAY
TUNGO SA SABSABAN NI HESUS
BITUING KASABAY NG ANGHEL
NAGHATID NG KAPAYAPAAN

O PAROL SA AMI’Y NAGDULOT NG SIGLA
SA GISAG NG AMING PAGASA
DAWA NG PASKO’Y NADARAMA
O PAROL KISLAP MO’Y SING LIWANAG NG TALA
DILIM SA MUNDO AY NAGLAHO
O PAROL, O PAROL, O PAROL

Repeat

Gathering #1 | Ang Panginoon Ay Darating

ANG PANGINOON AY DARATING
ANG PAGIBIG NYA AY MAGNININGNING
SA HARAP NG ALTAR KAMI LULAPIT
UMAAWIT NG MASAYANG PAPURI

BUKSANG ANG KANDILA NG BUHAY
ANG LIWANAG SA PAGHIHINTAY
SA PAGDATING NI HESUS
NAWA’Y PAGPALAIN
ITO ANG AMING DALANGIN

ANG PANGINOON AY DARATING
ANG PAGIBIG NYA AY MAGNININGNING
SA HARAP NG ALTAR KAMI LULAPIT
UMAAWIT NG MASAYANG PAPURI

SA HARAP NG ALTAR KAMI LULAPIT
UMAAWIT NG MASAYANG PAPURI

Gathering #2 | Kampana Ng Simbahan

Kampana ng simbahan ay nanggigising na
At waring nagsasabi na tayo’y magsimba
Manggising at magbangon tayo’y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan

Ang kampana’y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa

Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin
‘Pagkat tayo’y may tungkuling sa pananalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat manalangin habang nagsisimba

Ang kampana’y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa

Penitential Rite | Panginoon, Maawa Ka

IKAW NA NAGAALIS NG MGA KASALANAN NG MUNDO
PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN

R./ PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN

IKA’Y TAGAHILOM NAMING MAKASALANAN
O KRISTO, MAAWA KA SA AMIN

R./ O KRISTO, MAAWA KA SA AMIN

IKA’Y TAGAPAMAGITAN NG DIYOS AT NG BAYAN
PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN

R./ PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN

Responsorial Psalm for December 21

[Same melody as Simbang Gabi @ OLMM]

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

R./ Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.
Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tutog ng alpang marilag!

R./ Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.
Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

R./ Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa,
sa kanyang ngalan ay nagtitiwala.

R./ Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Responsorial Psalm for December 23

[Same melody as Simbang Gabi @ OLMM]

Itaas n’yo ang paningin,
kaligtasa’y dumarating.

R./ Itaas n’yo ang paningin,
kaligtasa’y dumarating.

Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,
ituro mo sana sa aba mong lingkod;
ayon sa matuwid, ako ay turuan,
ituro mo, Poon, ang katotohanan.

R./ Itaas n’yo ang paningin,
kaligtasa’y dumarating.

Mabuti ang Poon at makatarungan,
sa mga sarili’y guro at patnubay;
sa mababang-loob siya yaong gabay,
at nagtuturo ng kanyang kalooban.

R./ Itaas n’yo ang paningin,
kaligtasa’y dumarating.

Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay
sa tumatalima sa utos at tipan.
Sa tumatalima, siya’y kaibigan,
at tagapagturo ng banal na tipan.

R./ Itaas n’yo ang paningin,
kaligtasa’y dumarating.

Gospel Acclamation | Alleluia (N. Marcelo)

Alleluia, Alleluia, Alleluia, Alleluia
Alleluia, Alleluia, Alleluia, Alleluia

[Modulate and repeat]

Preparation of the Gifts #1 | Paglamig Ng Hangin

Pagalmig ng hanging hatid ng Pasko
Nananariwa sa ‘king gunita
Ang mga nagdaan nating Pasko
Ang Noche Buena’t Simbang gabi

Refrain
Narito na ang Pasko
At nangungulila’ng puso ko
Hanap-hanap, pinapangarap
Init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang
Sa sabsaban n’ung unang Pasko

Sa pag-awit muli ng himig-Pasko
Nagliliyab sa paghahangad
Makapiling kayo sa gabi ng Pasko
Sa alaala’y magkasama tayo

-> Refrain x2

Preparation of the Gifts #2 | Kristong Alay

SI KRISTO ANG ALAY
SA HAPAG MO, AMA
SIYA ANG TINAPAY NA PAGSASALUHAN DITO
ANG KANYANG KATAWAN
AY IHAHANDOG SA AMIN
UPANG TANGGAPIN AT KA—NIN

SI KRISTO ANG PAGKAIN
SI KRISTO ANG INUMIN
SI KRISTO ANG TANGING ALAY
NA NAGBIBIGAY BUHAY

SI KRISTO ANG ALAY
SA HAPAG MO, AMA
SIYA ANG ALAK NA PAGSASALUHAN DITO
ANG KANYANG DUGO
IBUBUHOS PARA SA LAHAT
UPANG MAGPATAWAD SA ALAGAD MONG TAPAT

SI KRISTO ANG PAGKAIN
SI KRISTO ANG INUMIN
SI KRISTO ANG TANGING ALAY
NA NAGBIBIGAY BUHAY

SI KRISTO ANG PAGKAIN
SI KRISTO ANG INUMIN
SI KRISTO ANG TANGING ALAY
NA NAGBIBIGAY BUHAY

Santo – Pastorela

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos, na makapangyarihan
Napupuno ang Langit at lupa
Ng kalwalhatian Mo
Osana, Osana, sa kaitaasan
Osana, Osana, sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon
Osana, Osana, sa kaitaasan
Osana, Osana, sa kaitaasan, sa kaitaasan!

Aming Ipinahahayag

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘Yong Anak
na buhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!

Amen from World Youth Day ’95

Amen, amen, amen
Amen, amen, amen, amen

Ama Namin (M. Francisco)

Ama namin sumasalangit Ka
sambahin ang ngalan Mo
Mapasa amin ang kaharian Mo
Sunding ang loob Mo
dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo po kami ngayon
ng aming kanin sa araw araw
At patawarin Mo kami
sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat ng masama

Sapagkat sa’Yo ang kaharian
kapangyarihan at kapurihan
Ngayon at magpakailanman
Ngayon at magpakailanman

Kordero Ng Diyos (M. Francisco)

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos, Maawa Ka

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos, Maawa Ka

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

Kordero ng Diyos (Alternate) (A. Aquino)

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin
Maawa Ka sa amin

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin
Maawa Ka sa amin

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

Communion #1 | Tinapay Ng Buhay

Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
at pagsasalong walang hanggan

Basbasan ang buhay naming handog
Nawa’y matulad sa pag-aalay mo
Buhay na laan nang lubos
sa mundong sa pag-ibig ay kapos

Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
at pagsasalong walang hanggan.

Marapatin sa kapwa maging tinapay
Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naaapi
at kanlungan ng bayan mong sawi

Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
at pagsasalong walang hanggan
at pagsasalong walang hanggan

Communion #2 | Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan

Katulad ng mga butil na tinitipon
Upang maging tinapay na nagbibigay buhay
Kami nawa’y matipon din
At maging bayan Mong giliw

Koro
Iisang Panginoon, iisang katawan
Isang bayan, isang lahi
Sayo’y nagpupugay
Iisang Panginoon, iisang katawan
Isang bayan, isang lahi
Sayo’y nagpupugay

Katulad din ng mga ubas
Na piniga at naging alak
Sino mang uminom nito
May buhay na walang hanggan
Kami nawa’y maging sangkap
Sa pagbuo nitong bayang liyag

-> Koro

Reflection Song | Payapang Daigdig

Ang gabi’y payapa, lahat ay tahimik
Pati mga tala sa bughaw na langit

Kay hinhin ng hangin, waring umiibig
Sa kapayapaan ng buong daigdig

Payapang panahon ay diwa ng buhay
Biyaya ng Diyos sa sangkatauhan

Ang gabi’y payapa, lahat ay tahimik

Closing | Awit Ng Misyon

Limang daang taong biyaya
Salamat Panginoon, sa ‘Yong punla
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog
Laging tapat, at laging tugon
“Naririto, handa kami, Panginoon!”

Kami’y hahayo sa iba’t ibang dako
Hatid ang iyong salita at paglilingkod
Inang Maria ang s’yang gabay nami’t lugod
Lalaganap alab ng ‘yong misyon!

Limang daang taong biyaya
Salamat! Salamat, Panginoon!

Limang daang taong biyaya
Salamat Panginoon, sa ‘yong punla
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog
Laging tapat, at laging tugon
“Naririto, handa kami, Panginoon!”
“Naririto, handa kami, Panginoon”

Gathering | Ang Puso Ko’y Nagpupuri

Ang puso ko’y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa ‘king tagapagligtas

Sapagkat nilingap Niya
Kababaan ng Kanyang alipin
Mapalad ang pangalan ko
Sa lahat ng mga bansa

Ang puso ko’y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa ‘king tagapagligtas

Sapagkat gumawa ang Poon
Ng mga dakilang bagay
Banal sa lupa’t langit
Ang pangalan ng Panginoon

Ang puso ko’y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa ‘king tagapagligtas

Luwalhati sa Ama
Sa Anak at sa ‘Spiritu Santo
Kapara noong unang-una
Ngayon at magpakailanman

Ang puso ko’y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa ‘king tagapagligtas

Nagagalak ang aking Espiritu
Sa ‘king tagapagligtas

Penitential Rite | Panginoon, Maawa Ka (Misa Antipona)

Cantor:
Panginoon, maawa Ka

All:
Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka

Cantor:
Kristo, maawa Ka

All:
Kristo, maawa Ka
Kristo, Kristo, maawa Ka

Cantor:
Panginoon, maawa Ka

All:
Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka

Responsorial Psalm

[No recording available]

Sa Poong D’yos malulugod ang hinirang niyang lunsod!

R./ Sa Poong D’yos malulugod ang hinirang niyang lunsod!

Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon
at nagagalak ang aking espiritu___dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi

R./ Sa Poong D’yos malulugod ang hinirang niyang lunsod!

Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin
ng Makapangyarihan___Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya
sa lahat ng sali’t saling lahi

R./ Sa Poong D’yos malulugod ang hinirang niyang lunsod!

Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang

R./ Sa Poong D’yos malulugod ang hinirang niyang lunsod! [Modulate and repeat]

Gospel Acclamation | Alleluia (N. Marcelo)

Alleluia, Alleluia, Alleluia, Alleluia
Alleluia, Alleluia, Alleluia, Alleluia

[Modulate and repeat]

Preparation of the Gifts | Stella Maris

KUNG ITONG AMING PAGLALAYAG
INABOT NG PAGKABAGABAG
NAWA’Y MABANAAGAN KA
HINIRANG NA TALA
NG___UMAGA

KAHIT ALON MAN NG PANGAMBA
‘DI ALINTANA SAPAGKAT NARO’N KA
NI UNOS NG PIGHATI
AT KADILIMAN
NG___GABI

MARIA SA PUSO NINOMAN
IKA’Y TALA SA KALANGITAN
NINGNING MO AY
WALANG PAGMAMALIW
INANG SINTA
INANG GINIGILIW

TANGLAWAN KAMI AMING INA
SA KALANGITAN NAMING PITA
NAWA’Y MAGING HANTUNGAN
PINAKAMIMITHING
KA___HARIAN

MARIA SA PUSO NINOMAN
IKA’Y TALA SA KALANGITAN
NINGNING MO AY
WALANG PAGMAMALIW
INANG SINTA
INANG GINIGILIW

Santo (Misa Antipona)

SANTO, SANTO, SANTO
PANGINOONG DIYOS NG MGA HUKBO
NAPUPUNO ANG LANGIT AT LUPA
NG KADAKILAAN MO
OSANA SA KAITASAN
PINAGPALA ANG NAPARIRITO
SA NGALAN NG PANGINOON
OSANA SA KAITAASAN!

Memorial Acclamation | Si Kristo Ay Gunitain

SI KRISTO AY GUNITAIN
SARILI AY INIHAIN
BILANG PAGKAI’T INUMIN
PINAGSASALUHAN NATIN
HANGGANG SA SIYA’Y DUMATING
HANGGANG SA SIYA’Y DUMATING

Amen (M. Francisco)

Amen, Amen, Amen
Amen, Amen, Amen

Kordero ng Diyos (M. Francisco)

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos, Maawa Ka

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos, Maawa Ka

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

Communion | Ang Katawan Ni Kristo

In the presence of our God
as we gather here in Christ
feel the Spirit breathe upon us
the breathe of life, graced and divine

We have come to break the bread
We have come to share our lives
Let us bring these fruits to the table
the love of God, yours and mine

Ang Katawan ni Kristo
Ang Katawan ni Kristo

Behold, the Body of Christ
Jesus, our Savior and Life
Rejoice, O People of God
We are the body of Christ

Is not the meal that we bless and share
a communion in the life of Christ
One bread, one blessing, one cup
make us one body in our Lord

Ang Katawan ni Kristo
Ang Katawan ni Kristo

Behold, the Body of Christ
Jesus, our Savior and Life
Rejoice, O People of God
We are the body of Christ

Ang Katawan ni Kristo
Ang Katawan ni Kristo

Behold, the Body of Christ
Jesus, our Savior and Life
Rejoice, O People of God
We are the body of Christ
We are the body of Christ
We are the body of Christ

Closing | Ang Pasko Ay Sumapit

ANG PASKO AY SUMAPIT
TAYO AY MANGAGSIAWIT
NANG MAGAGANDANG HIMIG
DAHIL SA ANG DIYOS AY PAG-IBIG
NANG SI KRISTO AY ISILANG
MAY TATLONG HARING NAGSIDALAW
AT ANG BAWAT ISA
AY NAGSIPAGHANDOG NG TANGING ALAY

BAGONG TAON AY MAGBAGONG BUHAY
NG LUMIGAYA ANG ATING BAYAN
TAYO’Y MAGSIKAP
UPANG MAKAMTAN NATIN
ANG KASAGANAHAN

TAYO’Y MANGAGSIAWIT
HABANG ANG MUNDO’Y TAHIMIK
ANG ARAW AY SUMPAIT
NG SANGGOL NA DULOT NG LANGIT
TAYO AY MAGMAHALAN
ATING SUNDIN ANG GINTONG ARAL
AT MAGBUHAT NGAYON
KAHIT HINDI PASKO AY MAGBIGAYAN

AT MAGBUHAT NGAYON
KAHIT HINDI PASKO AY MAGBIGAYAN