Liturgy for December 21 & 23, 2023 | Simbang Gabi

Posted: December 19, 2023 in Uncategorized

Procession of Parols (if needed) | O Parol

MASDAN ANG NAGGAGANDAHANG ILAW
MASDAN DIN ANG SARISARING KULAY
MAY PUTI AT ROSAS
MAY GINTO AT DILAW
MAY PULA AT BERDE
PILAK AT BUGHAW
ITO ANG ILAW NA SYA RING NAGBUHOS NG LIWANAG
UPANG SA MUNDO ANG PAGSILANG AY IPAHAYAG
BITUIN NA NAGSILBING GABAY
TUNGO SA SABSABAN NI HESUS
BITUING KASABAY NG ANGHEL
NAGHATID NG KAPAYAPAAN

O PAROL SA AMI’Y NAGDULOT NG SIGLA
SA GISAG NG AMING PAGASA
DAWA NG PASKO’Y NADARAMA
O PAROL KISLAP MO’Y SING LIWANAG NG TALA
DILIM SA MUNDO AY NAGLAHO
O PAROL, O PAROL, O PAROL

Repeat

Gathering #1 | Ang Panginoon Ay Darating

ANG PANGINOON AY DARATING
ANG PAGIBIG NYA AY MAGNININGNING
SA HARAP NG ALTAR KAMI LULAPIT
UMAAWIT NG MASAYANG PAPURI

BUKSANG ANG KANDILA NG BUHAY
ANG LIWANAG SA PAGHIHINTAY
SA PAGDATING NI HESUS
NAWA’Y PAGPALAIN
ITO ANG AMING DALANGIN

ANG PANGINOON AY DARATING
ANG PAGIBIG NYA AY MAGNININGNING
SA HARAP NG ALTAR KAMI LULAPIT
UMAAWIT NG MASAYANG PAPURI

SA HARAP NG ALTAR KAMI LULAPIT
UMAAWIT NG MASAYANG PAPURI

Gathering #2 | Kampana Ng Simbahan

Kampana ng simbahan ay nanggigising na
At waring nagsasabi na tayo’y magsimba
Manggising at magbangon tayo’y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan

Ang kampana’y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa

Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin
‘Pagkat tayo’y may tungkuling sa pananalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat manalangin habang nagsisimba

Ang kampana’y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-asa

Penitential Rite | Panginoon, Maawa Ka

IKAW NA NAGAALIS NG MGA KASALANAN NG MUNDO
PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN

R./ PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN

IKA’Y TAGAHILOM NAMING MAKASALANAN
O KRISTO, MAAWA KA SA AMIN

R./ O KRISTO, MAAWA KA SA AMIN

IKA’Y TAGAPAMAGITAN NG DIYOS AT NG BAYAN
PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN

R./ PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN

Responsorial Psalm for December 21

[Same melody as Simbang Gabi @ OLMM]

Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

R./ Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.
Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tutog ng alpang marilag!

R./ Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.
Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

R./ Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa,
sa kanyang ngalan ay nagtitiwala.

R./ Panginoo’y papurihan
ng tapat n’yang sambayanan.

Responsorial Psalm for December 23

[Same melody as Simbang Gabi @ OLMM]

Itaas n’yo ang paningin,
kaligtasa’y dumarating.

R./ Itaas n’yo ang paningin,
kaligtasa’y dumarating.

Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,
ituro mo sana sa aba mong lingkod;
ayon sa matuwid, ako ay turuan,
ituro mo, Poon, ang katotohanan.

R./ Itaas n’yo ang paningin,
kaligtasa’y dumarating.

Mabuti ang Poon at makatarungan,
sa mga sarili’y guro at patnubay;
sa mababang-loob siya yaong gabay,
at nagtuturo ng kanyang kalooban.

R./ Itaas n’yo ang paningin,
kaligtasa’y dumarating.

Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay
sa tumatalima sa utos at tipan.
Sa tumatalima, siya’y kaibigan,
at tagapagturo ng banal na tipan.

R./ Itaas n’yo ang paningin,
kaligtasa’y dumarating.

Gospel Acclamation | Alleluia (N. Marcelo)

Alleluia, Alleluia, Alleluia, Alleluia
Alleluia, Alleluia, Alleluia, Alleluia

[Modulate and repeat]

Preparation of the Gifts #1 | Paglamig Ng Hangin

Pagalmig ng hanging hatid ng Pasko
Nananariwa sa ‘king gunita
Ang mga nagdaan nating Pasko
Ang Noche Buena’t Simbang gabi

Refrain
Narito na ang Pasko
At nangungulila’ng puso ko
Hanap-hanap, pinapangarap
Init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang
Sa sabsaban n’ung unang Pasko

Sa pag-awit muli ng himig-Pasko
Nagliliyab sa paghahangad
Makapiling kayo sa gabi ng Pasko
Sa alaala’y magkasama tayo

-> Refrain x2

Preparation of the Gifts #2 | Kristong Alay

SI KRISTO ANG ALAY
SA HAPAG MO, AMA
SIYA ANG TINAPAY NA PAGSASALUHAN DITO
ANG KANYANG KATAWAN
AY IHAHANDOG SA AMIN
UPANG TANGGAPIN AT KA—NIN

SI KRISTO ANG PAGKAIN
SI KRISTO ANG INUMIN
SI KRISTO ANG TANGING ALAY
NA NAGBIBIGAY BUHAY

SI KRISTO ANG ALAY
SA HAPAG MO, AMA
SIYA ANG ALAK NA PAGSASALUHAN DITO
ANG KANYANG DUGO
IBUBUHOS PARA SA LAHAT
UPANG MAGPATAWAD SA ALAGAD MONG TAPAT

SI KRISTO ANG PAGKAIN
SI KRISTO ANG INUMIN
SI KRISTO ANG TANGING ALAY
NA NAGBIBIGAY BUHAY

SI KRISTO ANG PAGKAIN
SI KRISTO ANG INUMIN
SI KRISTO ANG TANGING ALAY
NA NAGBIBIGAY BUHAY

Santo – Pastorela

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos, na makapangyarihan
Napupuno ang Langit at lupa
Ng kalwalhatian Mo
Osana, Osana, sa kaitaasan
Osana, Osana, sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon
Osana, Osana, sa kaitaasan
Osana, Osana, sa kaitaasan, sa kaitaasan!

Aming Ipinahahayag

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘Yong Anak
na buhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!

Amen from World Youth Day ’95

Amen, amen, amen
Amen, amen, amen, amen

Ama Namin (M. Francisco)

Ama namin sumasalangit Ka
sambahin ang ngalan Mo
Mapasa amin ang kaharian Mo
Sunding ang loob Mo
dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo po kami ngayon
ng aming kanin sa araw araw
At patawarin Mo kami
sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat ng masama

Sapagkat sa’Yo ang kaharian
kapangyarihan at kapurihan
Ngayon at magpakailanman
Ngayon at magpakailanman

Kordero Ng Diyos (M. Francisco)

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos, Maawa Ka

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos, Maawa Ka

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

Kordero ng Diyos (Alternate) (A. Aquino)

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin
Maawa Ka sa amin

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin
Maawa Ka sa amin

Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

Communion #1 | Tinapay Ng Buhay

Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
at pagsasalong walang hanggan

Basbasan ang buhay naming handog
Nawa’y matulad sa pag-aalay mo
Buhay na laan nang lubos
sa mundong sa pag-ibig ay kapos

Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
at pagsasalong walang hanggan.

Marapatin sa kapwa maging tinapay
Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naaapi
at kanlungan ng bayan mong sawi

Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
at pagsasalong walang hanggan
at pagsasalong walang hanggan

Communion #2 | Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan

Katulad ng mga butil na tinitipon
Upang maging tinapay na nagbibigay buhay
Kami nawa’y matipon din
At maging bayan Mong giliw

Koro
Iisang Panginoon, iisang katawan
Isang bayan, isang lahi
Sayo’y nagpupugay
Iisang Panginoon, iisang katawan
Isang bayan, isang lahi
Sayo’y nagpupugay

Katulad din ng mga ubas
Na piniga at naging alak
Sino mang uminom nito
May buhay na walang hanggan
Kami nawa’y maging sangkap
Sa pagbuo nitong bayang liyag

-> Koro

Reflection Song | Payapang Daigdig

Ang gabi’y payapa, lahat ay tahimik
Pati mga tala sa bughaw na langit

Kay hinhin ng hangin, waring umiibig
Sa kapayapaan ng buong daigdig

Payapang panahon ay diwa ng buhay
Biyaya ng Diyos sa sangkatauhan

Ang gabi’y payapa, lahat ay tahimik

Closing | Awit Ng Misyon

Limang daang taong biyaya
Salamat Panginoon, sa ‘Yong punla
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog
Laging tapat, at laging tugon
“Naririto, handa kami, Panginoon!”

Kami’y hahayo sa iba’t ibang dako
Hatid ang iyong salita at paglilingkod
Inang Maria ang s’yang gabay nami’t lugod
Lalaganap alab ng ‘yong misyon!

Limang daang taong biyaya
Salamat! Salamat, Panginoon!

Limang daang taong biyaya
Salamat Panginoon, sa ‘yong punla
Misyong kaloob sa aming puso
Aming sarili ay aming handog
Laging tapat, at laging tugon
“Naririto, handa kami, Panginoon!”
“Naririto, handa kami, Panginoon”

Leave a comment