Gathering | Ang Puso Ko’y Nagpupuri
Ang puso ko’y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa ‘king tagapagligtas
Sapagkat nilingap Niya
Kababaan ng Kanyang alipin
Mapalad ang pangalan ko
Sa lahat ng mga bansa
Ang puso ko’y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa ‘king tagapagligtas
Sapagkat gumawa ang Poon
Ng mga dakilang bagay
Banal sa lupa’t langit
Ang pangalan ng Panginoon
Ang puso ko’y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa ‘king tagapagligtas
Lualhati sa Ama
Sa Anak at sa ‘Spiritu Santo
Kapara noong unang-una
Ngayon at magpakailanman
Ang puso ko’y nagpupuri
Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu
Sa ‘king tagapagligtas
Penitential Rite | Panginoon, Maawa Ka
Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka
Kristo, Kristo, Kristo, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka
Kri___sto____, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka
Papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!
Repeat
At sa lupa’y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!
Pinasasalamatan Ka namin
Sa ‘Yong dakilang angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin, maawa Ka
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Tanggapin Mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!
Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang Kataastaasan
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen!
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
Papuri sa Diyos!
Gospel Acclamation | Aleluya, Wikain Mo
Aleluya, Aleluya
Wikain Mo
Poon nakikinig ako
Sa Iyong mga Salita
Aleluya, Alelu Aleluya
Aleluya, Aleluya
Wikain Mo
Poon nakikinig ako
Sa Iyong mga Salita
Aleluya, Alelu Aleluya
Preparation | Stella Maris
Kung itong aming paglalayag
Inabot ng pagkabagabag
Nawa’y mabanaagan ka
Hinirang na tala ng umaga
Kahit alon man ng pangamba
Di alintana sapagkat naro’n ka
Ni unos ng pighati
At kadiliman ng gabi
Maria sa puso ninuman
Ika’y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw
Tanglawan kami aming ina
Sa kalangitan naming pita
Nawa’y maging hantungang
Pinakamimithing kaharian
Maria sa puso ninuman
Ika’y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw
Santo (Pastorela)
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos na makapangyarihan
Napupuno ang Langit at lupa
Ng kal’ualhatiaan Mo
Hosana, Hosana sa kaitaasan
Hosana, Hosana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon
Hosana, Hosana sa kaitaasan
Hosana, Hosana sa kaitaasan
Memorial Acclamation | Aming Ipinahahayag
Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘Yong Anak
nabuhay bilang Mesiya
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat
Amen (WYD ’95)
Amen, amen, amen
Amen, amen, amen, amen
Ama Namin
Ama Namin Sumasalangit Ka
Sambahin Ang Ngalan Mo
Mapasaamin Ang Kaharian Mo
Sundin Ang Loob Mo
Dito Sa Lupa Para Lang Sa Langit
Bigyan Mo Kami Ng Amin Kaka’nin
Sa Araw Araw
At Patawarin Mo Kami Sa Aming Mga Sala
Para Lang Pagpapa-Tawad Namin Sa Nagkaka-Sala Sa Amin
At Wag Mo Kaming Ipahintulot Sa Tukso At Iadya Mo Kami Sa Lahat Ng Masama
Sapagkat sa Iyo ang kaharian
Kapangyarihan at kapurihan
Ngayon at magpakailanman
Ngayon at magpakailanman
Kordero ng Diyos
Kordero ng Diyos
Na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos
Maawa Ka
Kordero ng Diyos
Na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin
Kordero ng Diyos
Maawa Ka
Kordero ng Diyos
Na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob Mo sa amin
Ang kapayapaan
Communion | Tinapay ng Buhay
Ikaw, Hesus, and tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
at pagsasalong walang hanggan
Basbasan ang buhay naming handog
Nawa’y matulad sa pag-aalay mo
Buhay na laan nang lubos
sa mundong sa pag-ibig ay kapos
Ikaw, Hesus, and tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
at pagsasalong walang hanggan.
Marapatin sa kapwa maging tinapay
Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naaapi
at kanlungan ng bayan mong sawi
Ikaw, Hesus, and tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
at pagsasalong walang hanggan
at pagsasalong walang hanggan
Closing | Inang Minamahal
INANG MINAMAHAL, SI JESUS SA IYO ‘SINILANG
INANG SINISINTA, ANG DIYOS SA ‘YO NAGPALA
INANG MINAMAHAL, KAY JESUS KAMI ‘YONG IALAY
ILAAN SA KANYANG KAHARIAN, UPANG D’YOS AY MAPARANGALAN
ILAAN SA KANYANG KAHARIAN, UPANG KAPWA’Y MAPAGLINGKURAN.
INANG MINAMAHAL NI JESUS NAMING MANANAKOP
INANG SINISINTA NG LAHAT MONG MGA ANAK
NAWA’Y ILAWAN MO ANG LANDAS NAMING TATAHAKIN
KALIGTASAN NAMIN AT PAG-ASA, TULONG NG IYONG PANALANGIN
SA HARAP NG AMING KAMATAYAN, O, INA, KAMI ’YONG ALIWIN.